Mga nasunugan sa Pasay binisita, inayudahan ni Go

Mga nasunugan sa Pasay binisita, inayudahan ni Go

September 16, 2022 @ 3:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Personal na pinangunahan n Senador Christopher “Bong” Go ang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Barangay 144, sa Pasay City.

Sa kanyang talumpati, nagpahayag ng pagkabahala si Go para sa mga biktima at tiniyak sa kanila, bilang partner sa Senado, na ipagpapatulong niya ang pagsusulong ng mga panukala na magpapatibay sa disaster prevention efforts sa bansa.

Para sa mas epektibong fire safety awareness at upang mapalakas ang kapasidad ng Bureau of Fire Protection, inakda at inisponsoran ni Go ang Republic Act No. 11589 o BFP Modernization Act.

Patuloy din ang pagsusulong niya ng Senate Bill No. 193, o mas kilala bilang Mandatory Evacuation Center Act, na magtatatag ng safe, permanent, at dedicated evacuation centers sa bawat lungsod, probinsya, at munisipalidad sa bansa.

Muli ring inihain ni Go ang SBN 192 o Rental Housing Subsidy Bill upang matugunan ang problema sa kawalan ng tirahan sa bansa, bunsod ng kahirapan at limitadong access sa murang pabahay.

“Isipin nyo po, mas lalo nating kailangan ng maayos na evacuation center kung saan mayroon kayong komportableng higaan, komportableng CR, komportableng pahingahan ng mga anak ninyo habang hindi pa po kayo nakakauwi sa inyong mga pamamahay. Iyan po ang isa sa aking priority bill sa Senado, itong Mandatory Evacuation Center,” saad ni Go.

“Mayroon rin po akong na-ifile itong Rental (Housing) Subsidy Bill. Kung maisasakatuparan po ito, bibigyan ho kayo ng pangrenta habang hindi pa po kayo nakakabalik sa inyong mga pamamahay,” aniya.

“Kaya bilang inyong senador, marami po akong mga prayoridad sa Senado na nai-file. Sana po’y maisakatuparan ang mga ito. Isang boto lang po ako sa Senado ngunit hindi po ako titigil basta makakatulong po sa mga kababayan nating mahihirap,” dagdag pa ng senador.

Namahagi ang mambabatas at kanyang team ng relief items, gaya ng grocery packs, vitamins, masks, meals, at shirts sa kabuuang 328 fire-affected households, na binubuo ng 789 na mga residente, sa Timoteo Paez Elementary School.

Nagbigay rin sila ng cellular phones, mga relo, bisikleta, at sapatos, para sa ilang piling indibidwal.

Samantala, namudmod din si Go ng mga bola ng volleyball at basketball sa ilang kabtaan bilang bahagi ng kanyang adbokasiya upang hikayatin ang mas maraming Filipino na lumahok sa sports activities at malayo sila mula sa iligal na droga at iba pang mga bisyo.

“Ang advocacy ko po bilang Committee Chair on Health and Sports sa Senado ay ilayo ang mga kabataan sa iligal na droga. Get into sports, stay away from drugs. Huwag nating sayangin ang inumpisahan ni dating pangulong (Rodrigo) Duterte na labanan ang iligal na droga at labanan ang kriminalidad,” pagbibigay diin ni Go.

“Kapag bumalik ang droga, babalik ang kurapsyon, babalik ang kriminalidad. Huwag po nating sayangin, tulungan n’yo po kami. Mas komportable ang buhay natin kung nakakalakad tayo sa gabi na hindi nababastos ang anak natin.

Kaya gusto ko pong ipagpatuloy ‘yan sa pamamagitan ng pag-i-engganyo po sa ating mga kabataan na maglaro na lang ng basketball, volleyball o kahit anuman pong larangan ng palakasan,” paliwanag niya.

Ang mga kinatawan naman mula sa Department of Social Welfare and Development ay nagbigay din ng financial aid sa bawat naapektuhang pamilya upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan habang bumabangon sa pinsalang idinulot ng sunog.

Nag-alok din si Go ng karagdagang tulong sa mga nangangailangan ng atensyong medikal at hinikayat ang mga ito na bumisita sa 31 Malasakit Centers sa Metro Manila, kabilang ang isa sa Pasay City General Hospital, kung saan madali nilang ma-a-avil ang medical programs ng pamahalaan.

Ang Malasakit Centers program ay sinimulan ni Go matapos masaksaihan ang paghihirap ng low-income Filipinos na makakuha ng dekalidad na healthcare. Kalaunan ay naisabatas ito at naging RA 11463 noong 2019, kung saan si Go ang principal auhtor at sponsor.

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, sinuportahan din ni Go ang street lighting project sa Taft Avenue sa Pasay. Bukod pa rito ang kanyang commitment sa pagtatayo ng 19 Super Health Centers sa Metro Manila.

Ang Super Health Center ay isang medium version ng polyclinic subalit improved version ng rural health unit.

Ang centers ay mayroong database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit. Ang iba pang serbisyo ay kinabibilangan ng eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy and rehabilitation center; at telemedicine, kung saan maaring isagawa ang remote diagnosis at treatment sa pasyente.

“Mayroon lang po akong paalala sa mga nasunugan, huwag po kayong mag-alala. Magtulungan lang po tayo, sino ba namang magtutulungan kung ‘di tayo lang po kapwa natin Pilipino. Ang gamit po nabibili natin, magtulungan lang tayo. Ang pera po ay ating kikitain, magsipag lang tayo. Ngunit ang perang kikitain natin ay hindi po nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever,” paalala ng mambabatas.

“Kaya mag-ingat po tayo. Sa ngayon, magtulungan tayong malampasan muna natin itong krisis na ating kinakaharap. Nasunugan pa kayo, nasa COVID-19 pa tayo, so magtulungan lang po tayo. Nandirito po ako. Kaunting tulong lang po itong dala ko. Sana po ay makatulong po sa inyong lahat. Mga taga-Pasay, mahal na mahal ko po kayong lahat. Salamat po,” pagtatapos ni Go. RNT