Mga naturukan ng Sinopharm pwede nang magpa-booster shot — DOH

Mga naturukan ng Sinopharm pwede nang magpa-booster shot — DOH

January 28, 2022 @ 2:05 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang mga indibidwal na naturukan ng Sinopharm COVID vaccine ay maaari nang makatanggap ng booster dose.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pwedeng iturok sa kanila ang Sinopharm bilang homologous (same brand) booster at AstraZeneca, Moderna, at Pfizer  naman bilang heterologous (mixed brand) booster tatlong buwan pagkatapos ng second dose.

Habang maaari na rin maging booster shot ang Sputnik Light sa mga naturukan ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, at Sinovac tatlong buwan din makalipas ng second dose.

Maaalalang iginiit ng Vaccine Expert Panel na ang single-dose na Sputnik Light COVID-19 vaccine ay “good candidate” para sa booster shot. RNT/FGDC