Mga nawawalang sabungero, patay na- PDu30

Mga nawawalang sabungero, patay na- PDu30

March 18, 2022 @ 9:02 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Para kay Pangulong Rodrigo Duterte, patay na ang mga sabungero na ilang buwan nang nawawala.

Nasabi ito ni Pangulong Duterte dahil kahit maging ang mga awtoridad aniya ay walang mabigay na updates sa kanilang imbestigasyon.

Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasinaya ng bagong Leyte provincial capitol sa Palo, sinabi nito na dahil sa game -fixing kaya’t kinuha at nawawala ang mga sabungero.

Ito aniya ang nakitang anggulo ng kapulisan.

Ang game-fixing ay ang paglalagay sa panabong na manok sa disadvantage na situwasyon upang masiguro ang pagkatalo nito.

“Lain ang kultura sa mga sabungero ug kanang mga sindikato. Nagkabukuhan lang sila eh. Ang problema gipatay tanan. Thirty-eight, 36?” ayon kay Pangulong Duterte.

Samantala, sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ang mga nawawalang sabungero “presumed dead only since no remains have been recovered yet.” Kris Jose