Mga negosyante sa Cambodia, nagpahayag ng interes mamuhunan sa Pinas

Mga negosyante sa Cambodia, nagpahayag ng interes mamuhunan sa Pinas

November 11, 2022 @ 2:09 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Maraming business leaders sa Cambodia ang nagpahayag ng kanilang interes na mamuhunan sa Pilipinas.

Sa isang video message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na naging produktibo ang kanyang pakikipagpulong sa mga business leaders sa Phnom Penh.

Nakita aniya ng mga ito ang “partnership” pagdating sa pagkain at agrikultura.

“I think we have lots of potential areas that we can further develop. Some of them have already — have many interests already in the Philippines. They already — they also would like us to come into Cambodia, especially in terms of food, in terms of agriculture, as well,” ang wika ni Pangulong Marcos.

“So housing, we talked about everything. So that’s how we started off and I think it was a very productive meeting,” dagdag na pahayag nito.

Nauna nang hinikayat ng Pangulo ang mga business leaders sa Cambodia na pumunta ng Pilipinas at mamuhunan, sabay sabing kailangan ng gobyerno ng Pilipinas ng katuwang mula sa pribadong sektor para baguhin ang ekonomiya.

Samantala, binanggit naman ni Marcos ang kanyang bilateral talk kay Cambodian Prime Minister Hun Sen sa sidelines ng ASEAN summit kung saan mahaba ang kanilang naging pag-uusap hinggil sa krisis sa Myanmar.

“The last bilateral meeting I had was with the Prime Minister, Prime Minister Hun Sen and we discussed at length Myanmar and the possible areas of agreement within the different member states in ASEAN including — up to and including the problems that we are feeling from the conflict in eastern Europe between Russia and Ukraine,” ang pahayag ng Pangulo. Kris Jose