Mga negosyo handa na sa RCEP – DTI

Mga negosyo handa na sa RCEP – DTI

February 22, 2023 @ 5:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na handa na ang mga lokal na negosyo sa trading arrangements na dala ng Regional Comprehensive Economic Partnership, kasabay ng pagpayag ng Senado sa partisipasyon ng bansa sa naturang mega free trade deal.

Sa virtual briefing, sinabi ni Pascual na naniniwala siyang inaasahan na ng mga negosyo ang pagsali ng bansa sa RCEP na nauna nang naging maugong noong Agosto 2012.

Ang RCEP ay isang free trade agreement sakop ang mga bansa ng
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at partners nito na Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.

“My expectation is that they are ready to avail of the advantages being afforded to use under RCEP,” ani Pascual.

“More than that, I think investors that are eyeing the Philippines as a production hub are really implementing their intentions and their plans to set manufacturing hubs in the Philippines and making their investments in our country,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy, sinabi ni Pascual na partikular dito ang nasa manufacturing, kung saan ninanais ng mga ito na makapagnegosyo sa bansa ng mas mababang taripa sa kanilang mga inaangkat mula sa karatig-bansa.

“We just have to rely on our expectation that RCEP will lead them towards a favorable decision in investing in the Philippines and making the [country] their production base or supplying the goods to the RCEP region,” sinabi pa niya.

Nitong Martes, Pebrero 21 ay 20 senador ang bumoto ng pabor sa Resolution No. 485, na naglalayong ratipikahan ang trade agreement.

Samantala, bumoto naman kontra dito si Senador Risa Hontiveros at nag-abstain si Senador Imee Marcos. RNT/JGC