Mga negosyo sa Alert Level 1 oks na sa 100% kapasidad – IATF

Mga negosyo sa Alert Level 1 oks na sa 100% kapasidad – IATF

June 8, 2022 @ 9:04 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinapayagan na ng gobyerno ang lahat ng establisimyento at negosyo sa mga lugar na nasa Alert Level 1 na mag-operate “at full capacity” subalit kailangan na may proof of vaccination na maipapakita.

Ito’y matapos na amiyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Sabado, Hunyo 4, 2022, ang guidelines ukol sa Nationwide Implementation of Alert Level Systems for COVID-19.

Kinikilala kasi ng government pandemic task force ang pangangailangan na i-identify ang mga establisimyento at/ o mga aktibidad na pinapayagan na mag-operate, o isinasagawa sa Alert Level 1.

“Having said this, IATF allowed full 100% capacity under Alert Level 1, subject to presentation of proof of full vaccination before participating in mass gatherings or entry into indoor establishments,” ayon kay
Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar.

Samantala, ang public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ay pinapayagan na rin sa “full seating capacity.” Kris Jose