Mga obra ng PDLs ng BJMP, ibinida sa bazaar

Mga obra ng PDLs ng BJMP, ibinida sa bazaar

November 14, 2022 @ 2:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakilahok ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isang pocket bazaar sa corridor sa harap ng Quezon City Hall nitong Lunes, kung saan ibinida ang ang mga produkto gaya ng Christmas lanterns at decors, handicrafts, paintings, at iba pa na likha ng persons deprived of liberty (PDL).

Makikinabang ang mga pamilya ng PDL mula sa livelihood project, na malaki rin ang papel sa reformation programs para sa PDLs sa BJMP facilities sa buong bansa. Danny Querubin