Mga OFW na nasa death row silipin – solon

Mga OFW na nasa death row silipin – solon

January 31, 2023 @ 5:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni OFW Party List Rep. Marissa Magsino sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang totoong kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa “death row” sa iba’t ibang bansa.

Naghain ang mambabatas ng House Resolution 684 kung saan iginiit nitong makapagsagawa ng pagsisiyasat ang mga kongresista “in aid of legislation” para malaman ang sitwasyon ng mga OFW na nahatulan dahil sa “capital offenses” at naghihintay na mapatawan ng parusang kamatayan.

Iginiit ni Magsino na dapat pag-aralan at mabatid ang kasakuluyang tulong ng pamahalaan sa mga naturang OFWs, at para mabatid kung ano ang epektibong intervention o mga dapat pang gawin upang maisalba ang kanilang buhay habang tinitiyak na maibibigay ang hustisya sa mga biktima.

“The real and persistent problems here are the intertwined challenges of 1) maltreatment of our OFWs by their employers forcing them to run away; 2) the status of our shelters run by the government through our POLOs, now known as MWOs; 3) and our government’s repatriation funding and system for distressed OFWs,” giit ni Magsino.

Tinukoy pa ng mambabatas na nitong pinagkahuling biktima na si Jullebee Ranara, na ginahasa, nabuntis, sinunog at sinasagasaan saka iniwang bangkay sa Kuwait kung saan sa paunang imbestigasyon lumalabas na ang pangunahing suspek ay ang anak ng kaniyang employer.

“Jullebee’s death is not just a case to add to the statistics; this is a life of our kababayan mercilessly taken from her loved ones. Powerless, our OFWs opt to leave the country for greener pastures. Powerless, our OFWs suffer abuse from their employers, at times even leading to a brutal death. And powerless, they run to our government shelters with no other recourse.”

Sa resolusyong inihain ni Magsino ay binanggit nito ang ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Setyembre 2022 na aabot sa 65 na OFWs ang nasa death row kung saan 48 sa mga ito ay lalaki, habang ang iba ay mga babae.

Binanggit din ni Magsino sa resolusyon si Mary Jane Veloso, na naaresto sa Indonesia at nasentensyahan ng parusang kamatayan noong 2010 dahil sa umano’y smuggling ng “heroin” na nakasilid sa maleta subalit naninindigan si Veloso na siya ay inosente.

Ayon pa kay Magsino, may mga ulat mula sa ilang grupo at sumbong ng mga pamilya ng apektadong OFWs na wala umanong “political will” ang ilang mga opisyal ng pamahalaan, at kapos din sa pondo at iba pang isyu, kaya tumataas ang bilang ng mga OFW na nasa death row.

“We underscore that a shelter is a TEMPORARY REFUGE. The end goal is still for our distressed kababayans to safely and immediately go back home, thus the importance of untangling the knots in the current funding and system of repatriating our distressed OFWs,”ani Magsino. Meliza Maluntag