Mga OFW sa Shanghai na apektado ng COVID-19 aayudahan ng DOLE

Mga OFW sa Shanghai na apektado ng COVID-19 aayudahan ng DOLE

April 23, 2022 @ 4:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Matapos ang paghihigpit sa health protocol sa Shanghai kasunod ng muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 , sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bibigyan ng tig-$200 na ayuda ang mga apektadong overseas Filipino workers.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Laging Handa Public Briefing  na ang Department of Foreign Affairs ang tumukoy sa mga apektadong OFW.

Aniya nakahanda  ang DOLE na magbigay ng financial assistance sa mga OFW.

Dagdag pa ng kalihim,  bukod sa pinansyal na ayuda, nagpadala na rin ang DOLE ng pagkain, medisina at iba pang pangangailangan ng mga apektadong OFW.

“Nagpapadala tayo ng pagkain, medisina sa kanila and as soon as ma-identify natin sila upon instruction of the DFA, we will give them the usual grant of $200 per OFW,” pahayag ni Bello. Jocelyn Tabangcura-Domenden