Mga opinyon ni Guanzon parang basurang papel na lang ngayon – Roque

Mga opinyon ni Guanzon parang basurang papel na lang ngayon – Roque

February 6, 2022 @ 2:44 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni senatorial aspirant Harry Roque na ang mga inilabas na opinyon ni retiradong Comelec Commissioner Rowena Guanzon ukol sa disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand ‘BongBong’ Marcos Jr. ay isa na lamang ngayong “scrap of paper” at wala nang opisyal na halaga.

Ang katuwiran ni Roque, isa na kasing retirado si Guanzon at wala pang promulgasyon ng desisyon ang Comelec’s First Division.

Si Guanzon ay nagretiro sa puwesto noong Pebrero 2.

Ani Roque, ang tax evasion ay iba mula sa pagbigo na magsumite ng tax returns.

Aniya, sa kabila ng may conviction kay Bong Bong Marcos para sa kanyang pagkabigo na magsumite ng tax returns, hindi naman ito maaaring iugnay sa moral turpitude na maaaring magdiskuwalipika sa una gaya ng sinasabi ni Guanzon.

Ayon kay Roque, “the moral turpitude contemplates a crime that involves moral depravity.”

“Karumal-dumal. You know yung issue of talagang wala kang moral standing sa komunidad, rape, graft and corruption, but the mere filing of the returns is not,” ayon kay Roque.

“Ang sabi pa nga ng second division, you cannot give it retroactive effect because the PD (Presidential Decree) only became effective prospectively and do not cover the years for which he did not file income tax returns,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Roque na ang opinyon ni Guanzon ay labag sa rule ng Comelec.

“That dissenting opinion should have not been released in the first place as it is contrary to the internal rules of the Comelec and all collegial bodies,” aniya pa rin. Kris Jose