Mga opisyal, empleyado ng BI na sangkot sa ‘pastillas scam’ kinasuhan ng graft

Mga opisyal, empleyado ng BI na sangkot sa ‘pastillas scam’ kinasuhan ng graft

June 7, 2022 @ 6:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kasong graft and corruption ang kahaharapin ng 42 Bureau of Immigration (BI) personnel, na kinabibilangan ng mga matataas na opisyal na umano’y sangkot sa “pastillas scam” o panunuhol upang payagan ang illegal entry ng mga Chinese citizens sa bansa.

Sa 17-pahinang impomasyon, sinabi ng Office of the Ombudsman na nakipagsabuwatan sa kaniyang mga empleyado si dating Deputy Commissioner Marc Mariñas ng Port Operations Division, pati na rin sa Liya Wu of Empire International Travel and Tours, para sa “willfully, unlawfully and give unwarranted benefits, preference or advantage to foreign passengers, particularly Chinese nationals.”

Lumalabas na nangongolekta umano ang grupo ng P100,000 kada pasahero na umabot sa P1.43 milyon, na paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang iba pang Immigration officials na kinasuhan ng graft ay kinabibilangan ni Senior Immigration Officers Grifton Medina, Glenn Comia, at iba pa.

“Bosses or Chinese suppliers acted as conduits between the travel agencies and the Immigration Officers manning the Immigration counters at NAIA Terminals 1 and 2. They receive a list of passenger names from travel agencies and cascade said list to the administrators of Viber chat groups,” batay sa inibas na criminal information ng Ombudsman.

“The bosses or Chinese suppliers receive the regular pay-outs from travel agencies usually wrapped like the local candy pastillas and then caused the distribution of the shares to the pastillas to the different members of the pastillas scheme,” nakasaad pa sa dokumento.

Ayon sa government prosecutors, si Mariñas at ang kaniyang team, ay kontrolado ang lahat ng dumarating na mga pasahero at saka ipinamamahagi ang komisyon o pera sa mga kasabwat na mga empleyado.

Kaugnay nito, inakusahan ng government prosecutors si Wu na siyang nagkakaloob ng listahan ng Chinese passengers na nais makakuha ng “VIP treatment” sa halagang P10,000 kada pasahero.

“The above acts of accused public officials thus allowed entry of foreign passengers in the country without going through regular and stringent profiling or screening processes in violation of existing immigration rules and procedures, to the prejudice of the government and public interest, contrary to law,” dagdag pa sa criminal information ng Ombudsman. Jan Sinocruz