Mga opisyal na lumagda sa ‘illegal reso’ na pag-angkat ng asukal, nasa hot seat

Mga opisyal na lumagda sa ‘illegal reso’ na pag-angkat ng asukal, nasa hot seat

August 11, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kasalukuyang nasa hot seat ang mga opisyal kabilang na sina Sugar Regulatory Administration chief Hermenegildo R. Serafica at  Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian na di umano’y pumirma sa ilegal na Resolution No. 4 na nai- upload sa website ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na may kinalaman sa gagawing pag- angkat ng pamahalaan ng  hindi bababa sa 300,000 metriko toneladang asukal.

“They are under investigation. There is no preventive suspension issued as of right now,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing sa Malakanyang.

“Alam nila ilegal, hindi naman baguhan sa SRA, syempre, hindi naman yung magiging dahilan para automatic alis ka dyan kasi naging iresponsable .Ang status nila, lahat po ng pumirma ay under investigation. Hintayin po natin today if a determination can be made na ma-issuehan sila ng preventive suspension order habang tumutuloy ang imbestigasyon. Pero kung mabilis lang ang imbestigasyon, makakakita tayo ng mga replacements very soon,|” ayon kay Cruz-Angeles.

Sa kabilang dako, naniniwala naman aniya ang Pangulo sa due process.

Makabubuti aniya na hintayin ng publiko na malaman ang dahilan kung bakit minadali ng mga nabanggit na opisyal ang importasyon ng asukal.

“Nag convene sila na walang kaalam- alam ang Presidente and bibigyan sila ng pagkakataon i-explain yung panig nila. pag hindi satisfactory ang kanilang mag explanations then the appropriate penalties will be imposed,” pagtiyak ni Cruz-Angeles.

Sinabi pa rin ni Cruz-Angeles na ang resolusyon ay “signed for by the President” ni Usec Sebastian na aniyay hindi otorisadong lumagda lalo pa’t hindi naman inotorisa ng Pangulo ang importasyon.

Lalabas ani Angeles sa imbestigasyon kung kailangan pa bang magtiwala ng Pangulo sa mga opisyales na nadadawit sa iligal na Resolusyon, matukoy kung may malisya at kapabayaan ang mga sangkot sa kontrobersiya.

Aniya pa, mula sa pagsisiyasat ay madedetermina kung ilan ang maaaring masibak.

Binigyang diin na ang Pangulong Marcos Jr na siyang Chairman ng SRA ang may kapangyarihan para magtakda ng anomang meeting at agenda habang wala ding Resolusyon na inotorisa ang Presidente.

“You don’t convene the Sugar Regulatory Board in the absence of the president and in the absence of any such approval  on his part. He didn’t approve the convening. you can only convene the board with the assent explicit assent of the president and he didn’t make such an agreement,” aniya pa rin.

Nauna rito, ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko tonelada ng asukal ng Pilipinas.

Bilang chairman ng Sugar Regulatory Board, nagdesisyon si Pangulong Marcos na “denied this in no uncertain terms,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa isang kalatas.

Nauna nang nagpahayag ang Sugar Regulatory Administration (SRA)  ng posibilidad na magkulang ang suplay ng asukal sa bansa ngayong buwan ng Agosto sakaling ipagbawal ng pamahalaan ang importasyon ng asukal.

Inihayag ng SRA na isa lamang sa 13 refineries ang operational dahil karamihan sa kanila ay tumigil na sa produksyon noong Mayo.

“If we rely on our local production alone and do not allow importation, by August, we won’t have enough sugar and we won’t have any carryover stocks for our needs in the coming months until production builds up,” pahayag ng SRA.

“Refineries also start later than the raw mills since refineries need to wait for raw sugar stock to build up before they can start refining,” giit pa nito.

Aabot ang carry-over stock para sa refined sugar ng bansa, ayon sa SRA, sa 144,000 metric tons.

“Our estimated refined sugar production is 771,000 metric tons giving us a total refined sugar stock balance of 915.000 metric tons,” patuloy nito.

Subalit ang estimated demand ng bansa para sa refined sugar ay 943,000 metric tons, na may average monthly demand na 83,000 metric tons.

Para sa mga indibidwal naman na hindi naniniwalang may kakulangan sa asukal, sinabi ng SRA na, “sugar shortage is real, it is not a figment of the imagination.”

“Those who claim otherwise either 1) do not have all the information they need to properly analyze the situation; 2) are just trying to manipulate perception to suit their own self-interest and hidden agenda; or 3) refuse to see what is right in front of them because of their own delusions.” Kris Jose