Mga opisyal ng MWSS at Manila Water, pinagbibitiw

Mga opisyal ng MWSS at Manila Water, pinagbibitiw

March 18, 2019 @ 1:21 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Pinagbibitiw na ng ilang kongresista ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kasunod ng biglaang pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang parte ng Metro Manila.

Sa gitna ng isinasagawang joint House panel hearing ay inudyukan ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza sina MWSS Administrator Gen. Reynaldo Velasco at Ferdinand dela Cruz, ang CEO ng Manila Water Company.

“Velasco and dela Cruz should resign immediately for their failure to deliver water! They should stop citing statistics and technical requirements for the disastrous non-performance,” ani Atienza.

Giit pa ng kongresista na malinaw na kapabayaan ang biglang pagkawala ng suplay ng tubig.

“Hindi naintindihan ng tao yang 20 million, 100 million liters. Ang naintindihan ng tayo ay iyong binuksan nila ang gripo nila one day at wala ng tubig. Wala naman kayong sinabi at before that ay wala naman kayong ginawang aksyon to prevent it.”

Pinangunahan nina Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, chairman ng Housing and Urban Development at Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila Development ang join hearing na tumalakay sa kasalukuyang krisis sa tubig.

“We need to get a clear picture of the situation and how we’re going to deal with it because a lot of people are already getting adversely affected by the problem,” ani Castelo.

Mahalaga ayon kay Benitez na matapos ang pagdinig ay maglapat ng solusyon at tiyakin na hindi na mauulit ang krisis na ito.

Apela naman ni Manadaluyong Rep. Quennie Gonzales sa Manila Water na mag-refund o magbigay ng diskuwento sa mga residenteng ilang araw ng nawawalan ng tubig.

Nakakalunos aniya ang kalagayan ng mga taga-Mandaluyong City na nawalan ng tubig noon pang gabi ng Marso 7 “residents remain sleepless-still waiting, begging and crying out for water.”

“I would like to appeal to the officials of Manila Water to seriously consider offering a rebate or a discount at the very least in the water bills of Mandaluyong residents for the month of March, and at best for the duration of the crisis,” panawagan ni Gonzales.

Kumilos ang Kamara na alamin ang ugat ng biglang pagkawala ng tubig matapos maghain ng resolysyon si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate upang ito ay imbestigahan.

Paniwala ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles na hindi ang El Niño ang rason ng krisis sa tubig kungdi ang kapabayaan ng Manila Water.


“The water interruptions are localized within the concession areas of Manila Water. This is simply mismanagement. Manila Water should be truthful to the public instead of blaming Mother Nature for their negligence,” giit pa ni Nograles. (Meliza Maluntag)