Mga opisyal ng MWSS, sisibakin; Maynilad, Manila Water ‘di rin lusot – PDU30

Mga opisyal ng MWSS, sisibakin; Maynilad, Manila Water ‘di rin lusot – PDU30

March 20, 2019 @ 7:11 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ang mga water concessionaires na Manila Water at Maynilad dahil sa nararanasang water shortage sa ilang parte ng Metro Manila at probinsiya ng Rizal.

Binigyan din ng ultimatum ni Pangulong Duterte ang mga opisyal upang magsumite ng report tungkol sa nararanasang water shortage atsaka siya magdedesisyon kung sisibakin niya ang mga ito o kung ite-terminate niya ang kontrata ng Manila Water at Maynilad.

Inihayag ito ng Pangulo sa closed-door meeting si Duterte sa mga opisyal sa Malakanyang na inilarawan ni presidential spokesperson Salvador Panelo bilang isang ‘presidential monologue’ na tumagal ng 40 minuto.

Si Panelo ay isa sa mga dumalo sa pagpupulong kasama sina MWSS Chairman Franklin Demonteverde at Administrator Reynaldo Velasco.

“The Chief Executive told them he was not going to listen to their explanation as to why there was a water shortage as such would be just plain excuses,” ani Panelo sa isang statement ngayong Miyerkules.

“They simply did not do their job. ‘All they care about is get profit from the water of the people’ and to their sufferance as well.”

Dagdag pa ni Panelo, naniniwala ang Pangulong Duterte na alam ng mga opsiyal magkakaroon ng shortage ngunit wala pa rin silang ginawa upang masolusyunan ito.

Binigyang diin din aniya ni Duterte na hinintay pa ng mga opisyal na personal silang takutin ng pangulo bago nila tapusin ang nararanasang water shortage.

“The Chief Executive bluntly told them to ‘shape up or ship out!’ ani Panelo.

Inatasan ni Duterte ang mga opisyal na magsumite ng report sa naranasang water shortage bago mag April 7, atsaka siya magdedesisyon kung ang mga opisyal ng MWSS ay tatanggalin sa puwesto o ang mga kontrata ng mga concessionaires ay ite-terminate, ani Panelo.

“The President reiterated that he is constitutionally tasked to serve and protect the citizenry, and he will not equivocate to take swift and drastic actions to secure the people from discomfort and shield them from suffering, regardless of the dire consequences to the players of the water industry,” sabi pa ni Panelo.

Magugunita na una nang inutusan ni Duterte ang MWSS na pagpalabasin ang Manila Water at Maynilad ng 150 araw na supply ng tubig upang matigil ang nararansang water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal.

Isinsisi ng Manila Water ang nararanasang water interruption sa epekto ng El Nino at kakulangan sa ulan sa mga nakalipas na buwan.

Humingi na rin ng tawad ang east zone concessionaire dahil sa nararanasang water shortage at sinabi ring bukas sila sa pagpapatupad ng adjustments sa bill ng kanilang mga consumer./Remate News Team