Mga opisyal sa Lanao del Sur, suspek sa pagpatay sa 5 PDEA agents

Mga opisyal sa Lanao del Sur, suspek sa pagpatay sa 5 PDEA agents

October 9, 2018 @ 8:37 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nakilala na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga indibidwal na maaaring nasa likod ng pananambang at pagpatay sa limang PDEA agents sa Kapai, Lanao del Sur nitong Biyernes.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kabilang sa mga sangkot ay dalawa o tatlong lokal na opisyal ng Lanao Del Sur at posible ring mga pulis.

Kasunod ito ng pag-relieve ng Philippine National Police (PNP) sa apat na pulis na dapat mag-e-escort sa mga PDEA agent sa kanilang opisina sa Cotabato City.

Sa ulat, galing ang grupo sa isang programa para sa drug surrenderers sa Tagoloan, Lanao Del Sur nang maganap ang ambush.

“We have the names already, about 10 of them who made the ambush and some other persons of interest that includes some politicians,” ayon kay Aquino sa isang panayam sa telebisyon.

Ayon sa mga saksi, ang mga police escorts ay nag-overtake sa mga PDEA agent at saka nagpatakbo ng mabilis.

“Minutes before the ambush, bigla na lang sila nag-overtake na humahagibis. Hindi na naabutan ng PDEA agents,” ayon pa kay Aquino.

“A few seconds thereafter in-ambush na ang tropa ko,” dagdag pa niya.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde ang mga naturang police escorts ay nabigong makaresponde sa naturang pag-atake dahil maliit lamang na kalibre ng baril ang kanilang bitbit.

Ang apat ay kasalukyang nasa kostudiya ng PNP./Remate News Team