Mga ospital ‘di dapat pabayaran ang mga donasyong PPE – DOH



Mga ospital ‘di dapat pabayaran ang mga donasyong PPE – DOH

September 28, 2020 @ 11:49 AM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinagbabawal ng Department of Health (DOH) ang pagpapabayad ng mga donasyong personal protective equipment (PPE) sa mga pasyente nito ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire.

“Yes, they are allowed to charge [for PPEs] under the Department Order 2020 0269, but charging for PPEs which are donated to them is strictly prohibited,” ani Vergeire.

“We have inventory of these [donated PPEs] para ma-monitor natin kung may overpricing,” giit nito.

Paliwanag nito na maaaring ikarga sa bill ng pasyante ang administrative cost o ang akomodasyon, at bayad para sa health workers na kailangang mag-alaga sa isang pasyente.

Dagdag nito na maaari lamang magkarga ng 30 porsyento ng kabuaang administrative cost ang isang ospital.

“Kung nasa intensive care unit ang pasyente, critical care iyon kaya mas maraming magagamit na PPE [ang mga health care workers]. Kung nasa ward [na may ibang pasyente], ‘pag nag-rounds ang doktor, isahan lang iyon, kaya mas kaunti ang paggamit ng PPE roon,” dagdag ni Vergeire. RNT/ELM


  •  
  •  
  •