Mga ospital ‘di kasabwat sa illegal organ selling-DOH

Mga ospital ‘di kasabwat sa illegal organ selling-DOH

August 25, 2022 @ 6:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Health ang publiko laban sa kumakalat na sensationalized messages tungkol sa illegal organ selling.

Pagtitiyak ng DOH sa publiko na ang mga ospital, at iba pang health centers at pasilidad ay hindi nakikilahok sa mga ganitong malisyosong aktibidad at patuloy na sumusunod at pinamamahalaan ang ligtas at voluntary organ donations..

“The Department further calls on the collaborative effort with our partners stakeholders, and media to help prevent the spread of fake information released to the general public. The message sends out fear and discouragement to people to help those who are in need of organ donation and potential donors.” ayon sa post ng DOH sa Twitter.

Hinihimok ng DOH ang publiko na maging mas mapagbantay laban sa mga mapanlinlang na mensahe at magtiwala lamang sa napatunayang impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan, tulad ng Facebook page at website ng DOH , at iba pang ahensya ng gobyerno.

“For correct and verified information from the Department , you may refer to the official website of the DOH or any of our online platforms on Facebook and Twitter ” ayon pa sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden