Mga ospital, pinaghahanda sakaling makapasok ang Marburg virus

Mga ospital, pinaghahanda sakaling makapasok ang Marburg virus

July 20, 2022 @ 3:29 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Dapat na handa ang mga ospital sakaling makapasok sa bansa ang Marburg virus, isang highly infectious disease na kagaya ng Ebola.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante na dapat magpatupad ang gobyerno ng mga kahalintulad na polisiya sa kung paano iha-handle, iko-contain at pipigilan ang pagkalat ng Marburg virus gaya ng ginawa nito noong Ebola scare noong 2016.

“Sa ‘kin, hindi ‘yan remote na puwede tayong pasukan dito just like any other emerging and reemerging infectious diseases. We always try to prepare for that na hindi makapasok. O kung makapasok man, dapat preparado ang mga healthcare facilities natin,” ani Solante.

Noong 1967 nang unang ma-detect ang Marburg virus na “clinically similar” sa Ebola virus.

Kapwa “rare” ang dalawang virus na kung ma-detect sa isang lugar ay maaaring magdulot ng “mataas na fatality rates.

Ayon pa sa World Health Organization (WHO), naisasalin ang virus sa tao mula fruit bats at kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng human-to-human transmission. RNT/ JCM