Mga ospital pinalalagyan ni Tulfo ng fast lane sa mga guro, dependents

Mga ospital pinalalagyan ni Tulfo ng fast lane sa mga guro, dependents

March 1, 2023 @ 6:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghain ng panukala si Senador Raffy Tulfo na naglalayong maglaan ng dagdag na hospital beds at fast lane facilities para sa mga guro at dependents nito para sa mas mabilis na pagbibigay ng kanilang pangangailangang medikal.

Sa ilalim ng Senate Bill 1921 o ang “Public School Teachers’ Hospital Benefits Act,ā€ nais ni Tulfo na magdagdag ng benepisyo sa kalusugan para sa mga guro at dependents nito sa lahat ng government hospitals.

ā€œTeachers hold one of the most vital jobs in the country which is fostering the curiosity of the youth, while also molding them to be responsible and informed citizens. They are the Philippines’ unsung heroes that are essentially one of the most integral resources that the country can provide its students,ā€ saad sa explanatory note ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, kailangan na bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga guro partikular na sa health sector dahil mas lantad sila sa mga sakit katulad ng pharyngitis, hypertension, anemia, hyperacidity at iba pa.

Layon din ng panukala na magbigay ng special discount at pagpapataas sa insurance coverage ng mga ito upang mabawasan ang gastusin sa hospital bills.

Binibigyang mandato ng Senate Bill 1921 ang mga government hospital na magbigay ng 10% discount sa konsultasyon at iba pang pangangailangan ng mga guro at dependents nito.

Dapat lamang ay dalhin ng public school teacher ang kanyang Professional Regulation Commission (PRC) identification card at valid proof of employment sa isang pampublikong paaralan.

Kung nais naman nitong makakuha rin ng benepisyo ang kanilang dependent ay dapat itong samahan ng guro, kasama ang isang government ID o birth certificate.

Sa ilalim pa ng panukala, binibigyang mandato ang lahat ng government hospitals na magsagawa ng medical at diagnostic examination upang masiguro ang pisikal at mental na kapabilidad ng lahat ng mga aplikanteng guro, kabilang ang pagbuo ng sistema na magbabantay sa kondisyon ng mga guro at dependents nito. RNT/JGC