Mga ospital sa China apaw na sa COVID

Mga ospital sa China apaw na sa COVID

December 23, 2022 @ 6:55 PM 1 month ago


CHINA – Apaw na ang mga ospital sa dinadalang mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19.

Ito ay dahil sa panibagong bugso ng mga kaso ng sakit kung saan ang mga matatanda ang pawang apektado maliban pa sa tambak na mga pasyenteng namamatay dahil dito.

Sa No. 5 People’s Hospital sa Chongqing, China, gianwa nang makeshit COVID ward ang main entrance lobby ng naturang ospital, samantala ang atrium nito ay puno na ng mga matatandang pasyente.

Mayroon na ring mga nakaupo na lamang sa sofa, at may mga nakahiga sa kama para makatanggap ng IV drips.

Sa ulat ng AFP, apaw na rin ang emergency room ng isang medium-sized hospital sa downtown Chongqing kung saan nasa 30 matatanda ang nagsisiksikan sa iilang kama at upuan.

Ayon sa ilang tauhan ng unang ospital, dumami ang mga namamatay sa COVID-19 mula nang magdesisyon ang pamahalaan ng China na ihinto ang mga health restriction at itigil ang mass testing. RNT/JGC