Mga pabayang ama hahabulin ng PAO, DSWD

Mga pabayang ama hahabulin ng PAO, DSWD

September 28, 2022 @ 1:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagsanib pwersa sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement ang Public Attorney’s Office (PAO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hahabulin nila ang mga amang magpapabaya sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga ito.

Ito ang sinabi ni PAO chief Persida Rueda-Acosta nitong Martes, Setyembre 27 kung saan kasama ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ay pumirma sila ng kasunduan upang matulungan ang mga inabandonang anak.

“This is a good development that PAO and DSWD have joined forces to help mothers, especially the solo parents, to get support particularly on financial aspects from the fathers of their children,” ani Acosta.

“They will surely face criminal charges for abandoning their children, but the mothers or the solo parents must come forward to file the appropriate case,” dagdag pa niya.

Maliban dito, ipinaalala rin ni Acosta na mayroong batas na magpaparusa sa mga ama na mapapatunayang nagpabaya sa kanilang anak sa ilalim ng Republic Act 9262 o An Act Defining the Violence against Women and Children and Providing Protective Support for the Victims.

“You produce children, then you refuse to give support. What’s that? Even if you plant a plant, you have to nurture it,” pagpapatama ni Acosta sa mga pabayang ama.

Isa rin umano ito sa dahilan ng kahirapan sa mga Filipino dahil napipilitan ang ina na buhayin ang sariling anak nang mag-isa. RNT/JGC