Mga pabor sa Cha-cha, dehado sa Senado – Bato

Mga pabor sa Cha-cha, dehado sa Senado – Bato

March 1, 2023 @ 6:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Aminado si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dehado ang bilang ng mga pabor sa Charter change (Cha-cha) pagdating sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Gayunman, sinabi ng senador sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, Marso 1 na suportado niya ang hakbang ni Senador Robin Padilla na kumbinsihin ang kanilang mga kasamahan sa Senado na bumoto pabor sa Cha cha.

Kasunod ito ng mga pahayag ng ibang senador na hindi ito prayoridad at mas maraming dapat unahin.

Bagamat ito ang dahilan kung bakit bumaba ang kanyang kumpiyansa sa naturang panukala, handa naman aniya siyang makiusap sa kanyang kasamahan dahil dadalawa na lamang sila ni Padilla na pabor dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden