Mga pagbabago, dagdag na holiday para sa 2023, alamin!

Mga pagbabago, dagdag na holiday para sa 2023, alamin!

November 16, 2022 @ 2:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng proklamasyon na nagdedeklara ng karagdagang holidays at pagbabago sa non-working days para sa 2023.

Sa amyenda sa Proclamation No. 42, idinedeklara sa Proclamation No. 90 ang January 2, 2023 bilang special non-working day habang ang April 10 at November 27, 2023 ay itinuturing nang regular holidays.

“There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the country,” pahayag ni Marcos.

Inihayag ng Pangulo na napatapat ang New Year’s Day sa 2023 falls sa araw ng Linggo kung kaya “it is but fitting to declare January 2 (Monday) as an additional special non-working day throughout the country.”

“To enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend, Monday, April 10, 2023, in lieu of Sunday, April 9, 2023 may be declared as a non-working holiday, provided that the historical significance of Araw ng Kagitingan is maintained,” paliwanag pa niya.

Gayundin, ang Bonifacio Day, na ginugunita tuwing November 30, ay napatapat sa arawng Huwebes para sa 2023. Sinabi ni Marcos na posibleng ideklara ang November 27 na non-working holiday habang ang November 30 ay idedeklarang working day.

Idinagdag niya na ang iba pang holiday na nakadeklara sa ilalim ng Proclamation 42 ay mananatiling “unchanged, valid, and existing.” RNT/SA