Mga pagbabago sa Pista ng Quiapo ipagpapatuloy kahit wala nang pandemya-pari

Mga pagbabago sa Pista ng Quiapo ipagpapatuloy kahit wala nang pandemya-pari

January 10, 2023 @ 7:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kuntento ang Quiapo Church sa kinalabasan kung paano ipinagdiriwang ang Pista ng Poong Itim na Nazareno sa gitna ng banta ng COVID-19.

Sinabi ni Quiapo Church Attached Priest Fr. Sinabi ni Earl Valdez na isang “magandang desisyon” ang pagdaraos ng mga aktibidad ng relihiyosong kapistahan sa ilang bahagi.

“Given the pandemic, given the situation, this was a good decision. Although, we recognized [na] nakakapagod din sa deboto kasi parang nagpiyesta kami ng dalawang araw. But kung ito naman ay mas makahulugan, mas maayos sa mga deboto, mas mararamadaman ang diwa ng piyesta,, sabi ng pari.

Aniya tatandaan nila kung paano ginawa ang selebrasyon ngayong taon.

Hindi aniya masabi kung ito na ang magiging format para sa susunod pang mga taon ngunit nakakatiyak aniya na kung ano man ang natutunan ngayon– pag nawala na ang pandemya ay maipapatupad at maipabago na ang ilan dito.

Sinabi pa ni Fr. Valdez na malugod na tinanggap ng mga deboto ang mga pagbabago kung paano ginaganap ang taunang kapistahan ngayong taon.

Nang tanungin kung magkakaroon din ng mga pagbabago sa debosyon ng mga mananampalataya, sinabi ni Valdez na “hindi agad makikita ang pagbabago.”

“I think we’re going to see changes in terms of devotion, it may take five to 10 years. But we will also see kasi paiba-iba at yung pandemya— tingnan natin kung ano pa ang mangyayari”,  saad ng Pari. Jocelyn Tabangcura-Domenden