Mga palaboy binakunahan vs COVID

Mga palaboy binakunahan vs COVID

September 29, 2022 @ 1:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binakunahan kontra COVID-19 ng Department of Health ngayong Huwebes, Setyembre 29 ang ilang mga palaboy partikular na sa Quezon City.

Mismong si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang nanguna sa pagbabakuna sa mga homeless families sa Scout Santiago, Quezon City.

Kasama ni Vergeire si Metro Manila Center for Health Development Assistant Regional Director Aleli Annie Grace Sudiacal.

Bahagi ang naging aktibidad ng Bakunahang Bayan special COVID-19 vaccination days ng DOH na isasagawa hanggang Oktubre 1.

Maliban sa pagbabakuna kontra COVID-19, titingnan rin ng DOH ang iba pang serbisyo para sa mga palaboy katulad ng malnutrisyon at bakuna laban sa iba pang mga sakit. RNT/JGC