Mga paliparan naghahanda na sa pagbubukas ng Boracay  

Mga paliparan naghahanda na sa pagbubukas ng Boracay  

September 26, 2020 @ 12:32 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naghahanda na ang mga paliparan sa pagbubukas sa mga lokal na turista ng isla ng Boracay sa Oktubre.

Sa ulat sinimulan na ng Air Asia ang disinfection sa kanilang cabin.

“Importante na ‘yung safety ay in place so we are waiting for the final guidelines na ilalabas ng local government unit para ma-boost pa namin ang campaign sa pagsuporta sa reopening ng Boracay,” paliwanag ni Steve Dailisan, tagapagsalita ng Air Asia.

Bukod pa rito ay handa na ang Philippine Airlines na mag-schedule ng flights pa-Boracay oras na payagan ito ng pamahalaan.

Gayundin ay nakasuot pa rin ng mga personal protective equipment ang kanilang mga cabin crew.

“Philippine Airlines will be ready to mount flights once the government gives the go-signal for leisure travel,” punto ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna.

Umaasa rin ang Cebu Pacific na muling daragsa ang mga pasahero sa pagbubukas ng Boracay.

“We haven’t seen a surge yet at the moment, but we do hope the reopening on October will inspire a lot of people to start travelling again,” punto ni Cebu Pacific Spokesperson Candice Iyog.

Sa ngayon, inaayos na ng mga airline ang mga refund ng ticket na nabili bago mag-pandemya. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...