Mga paliparan, naka-high alert bilang paghahanda sa holiday rush

Mga paliparan, naka-high alert bilang paghahanda sa holiday rush

December 5, 2022 @ 9:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang 42 commercial operating airports sa high alert, bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.

Base sa CAAP, nakikipag-ugnayan na ito sa kaukulang ahensya ng pamahalaan at sa airlines para sa mga tauhan sa inaasahang pagdumog ng mga pasahero.

“Due to travel bans imposed in the last two years brought by COVID-19, the CAAP-operated airports reported that it has seen trends of pent-up demand for tourism this year,” pahayag nito.

“Based on pre-pandemic historical data, an estimate of around 7-10% increase in the number of passengers is expected annually; and with the current easing of travel restrictions, CAAP is optimistically preparing for a surge in the demand for travel,” anito pa.

Batay sa datos ng CAAP, mayroong halos 6 million pasahero na bumiyahe sa CAAP airports  mula January hanggang October, at marami pang inaasahan sa huling kwarter ng taon.

Mayroong 5.136 million pasahero mula January hanggang December 2021, na ang 1.007 million ay naitala lamang para sa buwan ng Disyembre.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga biyahero na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan to para sa mas mabilis na paproseso sa screening checkpoints. RNT/SA