Mga panindang may tatak ng Korte Suprema, ipinagbawal!

Mga panindang may tatak ng Korte Suprema, ipinagbawal!

July 12, 2021 @ 5:40 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Ipinagbawal na ng Korte Suprema ang pagbebenta ng iba’t ibang kagamitan na may tatak ng Katas-taasang Hukuman.

Nakarating kasi sa atensyon ng Korte Suprema na may mga itinitinda online na may official seal ng SC gaya ng I.D. lanyards, car stickers, emblems, at license plates, ng walang pahintulot ng korte.

Dahil dito, naglabas ng resolusyon ang high-court na nagbabawal sa produksyon at pagbebenta ng anumang item na may tatak ng SC.

Nagbabala ang korte na sinuman na magsasamantala at gagamitin ang opisyal na tatak ng korte ay kalasuhan ng paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code (RPC).

Iniitos din ng Korte Suprema sa mga matitigas ang ulo na patuloy na magbebenta ng mga produkto na may seal ng SC na paparusahan ng kasong indirect contempt.

Bibigyan din ng kopya ng resolusyon ang head offices ng online shopping platforms gaya ng Shopee Philippines, Inc. at Lazada Group Philippines. Teresa Tavares