Mga panukalang batas na nakasentro sa pagbangon ng bansa sa pandemya tinutukan ng Kamara – Speaker Romualdez

Mga panukalang batas na nakasentro sa pagbangon ng bansa sa pandemya tinutukan ng Kamara – Speaker Romualdez

September 29, 2022 @ 11:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kasabay ng break o recess ng Kongreso, inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ilang mahahalagang panukalang batas ang kanilang prinayoridad na pawang tutugon sa pagbangon ng bansa mula sa pandemic at nakasentro sa pagpapalabas ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Romualdez nasa kabuuang 5,696 panukala ang naihain ng mga mambabatas sa Kamara, 21 resolutions at 37 bills ang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa kanyang talumpati sa huling sesyon ng Kamara sinabi ni Romualdez na bagamat kakaunti ang oras ng mga mambabatas ay nagawa nitong makapagpasa ng mga mahahalagang batas.

“For two months since the start of the Nineteenth Congress, we rolled up our sleeves and worked hand in hand to ensure the collective and responsive action upon all pending bills and resolutions, including priority bills included in the legislative agenda of our president.Our mission from day one is clear: help resuscitate the pandemic-battered economy and make economic transformation the main engine to uplift the lives of the Filipino people,” pahayag ni Romualdez.

Dalawang priority bills ang naipasa ng Kamara kabilang ang SIM card registration at ang suspensyon 2022 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Bukod pa dito ay naipasa na rin ng Mababang Kapulungan ang General Appropriations Bill (House Bill No. 4488) o ang panukalang 2023 national budget.

“With deep sense of urgency, combined with detailed scrutiny from our colleagues in the minority, and the tireless and unceasing cooperation of our fellow civil servants from various agencies in the executive department, we were also able to hammer out in no time the best possible version for the approval on Third Reading of HB 4488, or the proposed P5.268-trillion national spending plan for 2023,” dagdag pa niya.

Umaasa si Romualdez na ngayong nasa Senado na ang bola patungkol sa usapin ng budget ay mabilis din itong maaprubahan kung saan ang target ay sa Disyembre ay malagdaan na ito ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang Kongreso ay nakarecess mula OCt 1 hanggang Nobyembre 6. Gail Mendoza