Mga panukalang makapagpapabangon sa MSMEs sa gitna ng pandemya, oks na sa House Committee

Mga panukalang makapagpapabangon sa MSMEs sa gitna ng pandemya, oks na sa House Committee

August 30, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na ngayong umaga ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang mga panukalang batas na tutulong sa maliliit na negosyo na makabangon sa gitna ng coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic kabilang dito ang House Bill No. 1 na inihain ni Speaker Martin G. Romualdez ukol sa pagpapalawak sa lending programs ng gobyerno.

Pinangunahan ng chairman ng komite na si Manila Rep. Irwin C. Tieng ang pag-aapruba sa mga panukalang magpapatibay sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) upang ma-asistihan ang micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

“There is a motion duly seconded, the bills on GUIDE by virtue of Section 48 of the rules of the House of Representatives are hereby approved. The secretariat is directed to prepare the committee report,” ani Tieng sa panahon ng pagdinig.

Ang nabanggit na mga inaprubahang panukala ay agad na iaakyat sa House committees on appropriations at ways and means para sa kaukulang pondo o kung ito y mapopondohan at makita kung ito ay tumutugon sa tax provision requirements.

 “As a matter of procedure, we have to submit our approved committee report to the appropriations for funding and of course for ways and means for tax provision,” ayon kay Tieng.

Sina Romualdez, Reps. Yedda Marie K. Romualdez ng party-list group Tingog, presidential son Ferdinand Alexander Marcos ng Ilocos Norte at Jude Acidre ng Tingog ang mga pangunahing may akda sa HB No. 1.

Sa ilalim ng Rule 10, Section 48 ang mga komite ay pinapayagang kagyat na mag-apruba ng mga panukalang naaprubahan ng nagdaang Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa.

 “In case of bills or resolutions that are identified as priority measures of the House, which were previously filed in the immediately preceding Congress and have already been approved on third reading, the same may be disposed of as matters already reported upon the approval of the members of the committee present, there being a quorum.”

Si Acidre ang humarap sa komite kung saan binanggi nito na totoong pinaluhod ng pandemya ang maliliit na negosyo sa bansa at kailangang makabangon na ang ekonomiya ng bansa.

“The pandemic has placed a severe strain on our economy. The previous Congress successfully passed several versions of the Bayanihan to Heal as One Act to cushion the economic impact of the COVID-19. Nevertheless, our micro, small and medium enterprises remain struggling to survive the deleterious effects of the pandemic. In view of the foregoing, it is our humble but firm belief that we need to create a more enabling environment for financial access for our MSMEs,” banggit ni Acidre.

Kabilang din sa lumagda sa cnslidated measures sina Albay Rep. Joey Sarte Salceda, Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Go Yap, at iba pa.

Nakapaloob sa HB No. 1 na tinawag na “An Act providing for government financial institutions unified initiatives to distressed enterprises for economic recovery (GUIDE),” kung aan binibigyang alokasyon na P7.5 bilyon ang Land Bank of the Philippines (LBP) at P2.5 bilyon naman sa Development Bank of the Philippines (DBP) o kabuuang P10 bilyon upang maisakatuparan o maimpleta ang ang panukala sakaling ito ay maging ganap na batas.

“To this end, the government financial institutions are mandated to expand their credit programs in order to assist MSMEs to meet their liquidity needs. In particular, the LBP and DBP are mandated to expand their credit and rediscounting facilities to affected MSMEs in the agriculture, infrastructure, manufacturing, and service industries,” ayon pa rin sa nilalaman ng panukala.

Sa panukala ay binibigyang kahulugan ang MSME bilang negosyong nalilinya sa industriya, agribusiness at serbisyo maging ito ay single proprietorship, cooperative, partnership o corporation na ang total assets ay nabibilang sa P3 milyon para sa micro, P3 milyon hanggang P15 milyon para sa small at P15 milyon hanggang P100 milyon para sa medium.

Sa pamamagitan ng GUIDE bill ay itinataas nito ang capital stock ng DBP ng mula sa P35 bilyon hanggang sa P100 bilyon “ divided into one billion shares of P100 each to be fully subscribed by the national government.” Meliza Maluntag