Mga parak-Cordillera inatasang rumesponde sa loob ng 5-minuto

Mga parak-Cordillera inatasang rumesponde sa loob ng 5-minuto

August 14, 2022 @ 9:36 AM 2 months ago


BAGUIO CITY – Mahigpit na ipinag-utos ng bagong talagang pinuno ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) sa kanyang mga tauhan na ang mabilisan pagresponde sa lahat ng emergency calls sa loob ng limang minuto.

Ayon kay PROCOR chief Brig. Gen. Mafelino Bazar, malaking bagay ang mabilisan pagresponde dahil maari pa nitong mapigilan ang mga kriminal.

“If we respond in a short period, not more than five minutes when a call for police assistance is received, we might be able to arrest a perpetrator and bring the person behind bars or save a life if we can respond immediately,” ani pa ni Bazar.

Pinalitan ni Bazar si Gen. Ronald Oliver Lee noong Sabado sa Camp Bado Dangwa La Trinidad, Benguet.

Sa pagdalo ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa pagtalaga kay Bazar, pinayuhan ang mga pulis ng PROCOR na dapat palaging maayos ang kanilang pag-uugali.

“We are all ambassadors of the government. Kapag tayo ay walanghiya na makipag-usap sa mga mamamayan, iisipin nila na ang gobyerno ay walang hiya (If we are shameless when dealing with the public, they will think that the government is also shameless),” ani Azurin.

Hinimok niya ang mga opisyal ng pulisya na ipagpatuloy ang makipag-ugnayan sa publiko sa hangarin ng administrasyong Marcos na gawing ligtas, progresibo, at maayos ang mga komunidad, at tapusin ang teroristang grupo .

Inatasan rin niya ang PROCOR na tutukan ang Barangay Development Programs (BDP) sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para himukin ang mga mamamayan na yakapin ang kapayapaan at kaayusan.

Ang BDP, ay isang programa ng NTF-ELCAC ng administrasyong Duterte, para sa pag-unlad ng mga delikadong bayan kung saan nasa 822 na mga bayan sa buong bansa ang nakatanggap ng P20 milyon bawat isa para sa farm-to-market na mga kalsada, silid-aralan, tubig at sistema ng kalinisan, kalusugan istasyon, at iba pang proyektong pangkabuhayan.

“We need to monitor the programs so that we can be certain they will be finished and the people where they are being implemented will use and see the benefits of the programs,”. “Let us continue to relate with the people and continue to bring back their trust in the police.” ani Azurin.

“With all agencies delivering services, the NPA (New People’s Army) will be a thing of the past,” pagtatapos ni Bazar.

Ang mga bayan na nasasakop ng PROCOR ay ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, at Baguio City./Mary Anne Sapico