Mga parak napeke sa nirespondehang kidnapping incident na namonitor sa socmed

Mga parak napeke sa nirespondehang kidnapping incident na namonitor sa socmed

August 8, 2022 @ 8:33 AM 2 months ago


TANJAY CITY- Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na gumagamit sa social media na maging responsable sa kanilang mga ‘post’ gaya na lamang ng kanilang nirespondehan kahapon (Sabado) na may batang dinukot sa loob ng pamilihang bayan sa lungsod na ito.

Ayon kay Lt. Col. Roland Lavisto, Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) hepe ng NOPPO, dakong 8:15 AM nagtungo ang alert team sa public market sa Brgy. 9 , Tanjay City para rumesponde sa dinukot na bata sa comfort room.

Pagdating sa lugar naabutan nila ang isang babae na nagwala dahil sa kalasingan na kinilala si Mica Miserilla, 28-anyos, residente sa San Jose, Negros Oriental.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na mayroon problema sa pag-iisip si Mesirella taliwas sa kumalat sa isang post sa Facebook.

Kwento naman ng ina ng bata hinila ni Mesirella ang kanyang anak subalit agad niya rin itong nakuha.

Sa ngayon isinara na ang Facebook account at hindi muna pinangalanan ang may-ari para sa karagdagang imbestigasyon at posible itong managot.

Dinala naman sa Tanjay City Police Station si Mesirella para sa karampatang disposisyon . Mary Anne Sapico