Mga parak tinuruang magtanim sa Caloocan

Mga parak tinuruang magtanim sa Caloocan

June 21, 2022 @ 1:15 PM 7 days ago


MANILA, Philippines- Nagdaos ng seminar ang Caloocan City People’s Law Enforcement Board at Caloocan City Parks and Administration Services para sa mga pulis upang palakasin pa ang programang urban gardening sa lungsod.

Binigyang-diin sa seminar ang kahalagahan ng pagtatanim maging sa siyudad upang makatulong sa kabuhayan at pagkain ng mga mamamayan.

Kinilala din sa seminar ang malaking bahaging ginagampanan ng mga pulis sa komunidad hindi lamang sa peace and order kundi maging sa community development.

Noong 2020 ay lumagda si Mayor Oscar Malapitan sa isang memorandum of agreement kasama ang Department of Agriculture at Philippine Seed Industry Associate upang maging bahagi ng urban agriculture program ang Caloocan. Merly Iral