MGA PARAUSAN NAGKALAT SA PASAY, PARAÑAQUE

MGA PARAUSAN NAGKALAT SA PASAY, PARAÑAQUE

January 12, 2023 @ 8:30 AM 2 weeks ago


SA gitna ng kabi-kabilang batikos kaugnay nang laganap na operasyon ng mga negosyong nagbebenta ng “laman” nagawa pa ring makakuha ng business permits ng mga “parausang” nakakubli sa likod ng 50 KTV bars sa mga lungsod ng Pasay at Paranaque.

Sa impormasyong ibinahagi ng ating mga impormante mula sa city government, tinukoy ang mga panggabing negosyo bilang mga KTV, disco and night club at gay bars sa kahabaan ng Quirino Aveue, Airport Road at Roxas Blvd.

Ang kuwento sa akin ng impormante, tampok daw talaga ang malalaswang panoorin sa ibabaw ng stage at “kaplugan” naman sa VIP rooms kung saan ‘diumano nagaganap ang tinaguriang “mabilisang semputan” sa pagitan ng mga dayuhang parokyano at mga kabataang babae na menor de edad mula sa malayong lalawigan na bitbit umano ng isang alyas “Arbie”.

Kabilang sa mga tinukoy na estalishment ang White Bird, Dynasty, Apollo, Apeiro, Studio 69,798 KTV Bar, Jero, Alice Angel KTV Bar, Boom Bar KTV at iba pang ilang metro lamang ang layo sa Redemptorist Church sa Baclaran.

Napag-alaman sa ilang mga kababayan natin na pawang mga banyaga ang karaniwang parokyano ng mga nasabing estbalisimyento sa kabila pa nang umiiral na ordinansa ng mga nakasasakop na lungsod.

Nang tanungin kung paano nakakuha ng business permit ang mga tinutukoy nilang establisimyento, tahasang ipinagmamalaki ng mga may-ari na “bagyo” sila sa mga alkalde ng Pasay at Paranaque.
Ang isa sa matindi pa rito at nakapagtataka kung bakit hindi sinasalakay ang mga nasabing parausan o bentahan ng sariwang laman ng mga operatiba ng Southern Police District, Criminal Investigation and Detection Group at National Bureau of Investigation.

Baka nga totoo ang sinasabi ng ating impormante na tumatanggap umano ng P50,000 buwanang lagay mula sa bawat negosyo ng sariwang laman ang mga tiwaling opisyal ng pulis at NBI.
Bukod sa bentahan ng laman, ginagamit din umano ang VIP rooms sa malakihang transaksyon at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

NBI NAKISAWSAW WEEKLY PAYOLA

Patuloy pa rin umano sa pangongotong sa mga iligal na pasugalan itong sina alyas Marcial at isang alyas Tata Jerry kaladkad ang pangalan ng NBI.

Hindi natitinag si NBI Chief Dir. Medardo De Lemos? Aba, ayon nga sa mga bubwit sa pamahalaan, dapat lang na pagtatanggalin nito ang mga kumukuha ng inteligensiya sa mga pasugalan at iba pang establisimyento.

Nakakahiya ang NBI kapag patuloy na nakikisawsaw sila sa koleksyon ng mga pasugal. Dapat kasi, malalimang mga kaso ang tinututukan ng NBI at hindi ang mga walang kuwentang pasugalan at mga putahan.

Abangan ang karugtong.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]