Manila, Philippines – Hindi dapat maging pari ang mga duwag na hinding kayang ipaglaban ang katotohanan.
Ito ang binigyan diin ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa idinaraos na Philippine Conference on New Evangelization 5.
Sinabi ni CBCP Vice President Bishop Virgilio David na bilang alagad ng Diyos kailangang ipaglaban ang katotohanan at hindi dapat matakot sa anumang banta sa kanilang buhay dahil sila ay aalalayan ng mga anghel langit.
Ang kanyang pahayag ay dahil sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga pari.
Nalulungkot si Bishop David sa mga nangyayaring extra judicial killings sa kanyang parokya sa Caloocan dahil hindi niya naipagtanggol ang kanyang mga tupa sa mga nagaganap na patayan.
Bilang tinawag aniya ng Panginoong Hesukristo na Pastol ng mga naliligaw na tupa panahon na upang magkaisa sila sa iisang layunin na idepensa ang kanilang mga alagang tupa at manindigan sa iisang adhikain na ilapit ang mga tao sa Diyos.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)