Mga parke sa Valenzuela sarado sa Biyernes Santo

Mga parke sa Valenzuela sarado sa Biyernes Santo

April 8, 2022 @ 3:46 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na sarado ang mga parke sa lungsod sa Abril 15, Biyernes Santo.

Sarado ang Valenzuela City Family Park, Valenzuela City Sports Park at Valenzuela City People’s Park sa nasabing araw

Ikakandado rin ang Polo Park at MMDA-Valenzuela City Friendship Parks.

Samantala, 66 na pamilyang biktima ng sunog sa Sagip St., Arkong Bato ang tumanggap ng cash assistance mula sa Pamahalaang Lungsod  nitong Abril 8.

Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng halagang P15,000 bilang ayuda. Merly Iral