Mga pasahero dagsa sa mga pantalan sa pagtatapos ng holiday season – PCG

Mga pasahero dagsa sa mga pantalan sa pagtatapos ng holiday season – PCG

January 2, 2023 @ 5:46 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa ibat-ibang pantalan matapos ang mahabang bakasyon.

Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 46,265 outbound passengers at 35,758 inbound passengers ang namonitor sa lahat ng pantalan sa buong bansa kaninang umaga, Enero 2.

Bukod dito, 1,950 na naka-deploy na frontline personnel sa 15 PCG Districts ang nag-inspeksyon sa kabuuang 248 vessels at 1,075 motorbanca.

Nagpakalat naman na ang PCG ng halos dalawang libong tauhan nito sa lahat ng pantalan sa bansa.

Maliban sa mga pasahero ay nakapag-inspeksyon na rin ang PCG ng 127 na mga sasakyan pandagat at 130 na mga motorbancas.

Nananatili pa ring naka-heightened alert ang PCG bilang pangangasiwa sa dagsa ng pasahero matapos ang holiday season hanggang Enero 7. Jocelyn Tabangcura-Domenden