MGA PASAHERO MAGIGING APEKTADO NG NCAP

MGA PASAHERO MAGIGING APEKTADO NG NCAP

August 22, 2022 @ 7:28 PM 1 month ago


BAKIT tutol ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) sa maling implementasyon ng NCAP, hindi naman daw apektado mga pasahero ng public transport?

Apektado ang mga pasahero! Uubusin ng maling implementasyon ang public transport kapag hindi naayos. Bakit?

Hardest hit ng NCAP ang public transport. Kaya ang panawagan ng LCSP sa LTFRB ay makipag-coordinate sa mga public transport ukol dito.

Makumbinsi ang LTO na i-renew ang rehistro ng mga units at sa LGU ay i-suspinde muna ang implementasyon. Apat na malalaking transport groups ang nagsampa na ng kaso sa Korte Suprema upang ipawalang bisa ang NCAP ng mga LGU.

Bakit apektado ang mga pasahero?

Dahil ang napipilitang magbayad ng multa ay ang mga operator na hindi naman lumabag sa batas trapiko. Daan-daan libo ang binabayaran nila na NCAP violation sa di-umano ay violation ng mga driver. Ia-alarma ng LTO ang rehistro ng mga sasakyan at hindi papayagan mag-renew hanggat hindi nababayaran ang NCAP violation.

Katwiran ng mga LGU na dahil driver ng operator dapat sila ang magbayad dahil sa sila ang may supervision sa driver.

Mali ‘yun mga sir!

Kapag Franchise violation o kaya ay kapag may aksidente, operator ang may pananagutan pero kapag traffic violation, sa driver iyan. Lisensiya ng driver ang titikitan. Dapat ang dinidisiplina ay pasaway na driver. Alam dapat yan ng NCAP.

Sabi ng LGU singilin ng operator ang driver – eh di lalayasan lang siya ng driver. Bakit, Hindi naman mahahabol ang lisensiya ng driver dahil hindi ang alam ng LGU at LTO na driver ang nagkasala.

Ang interes lang ng LGU ay mabayaran ang multa ng NCAP kahit hindi ang violator ang nagbayad.

Anong pagdidisiplina o pagbabago ng kultura ang sinasabi nila dito? Masahol pa talaga sa kotong. Sa kotong, may kasalanan ang nagbibigay ng ilang daan lang. Sa NCAP, libo-libo ang bayad nang walang kasalanan.

At umaaray na ang public transport. Dumapa dahil sa pandemya, tumaas ang presyo ng gasolina, nagsipagbago ng hanapbuhay ang mga driver at ngayon malalaking multa sa NCAP naman.

AND THERES MORE, HINDI MAKA-RENEW NG REHISTRO SA LTO!

Tapos gusto ng gobyerno efficient, safe modern public transport? Paano makaka-comply ang operators?