Mga pasahero ng nasiraang ferry, tinulungan ng PCG

Mga pasahero ng nasiraang ferry, tinulungan ng PCG

July 12, 2022 @ 6:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang ferry na nasiraan sa katubigan ng Liloan, Cebu habang naglalayag patungong Ormoc City.

Ayon sa PCG, ang MV Lite Ferry 11 ay nagkaroon ng engine trouble at nag-malfunction ang port at starboard engine ng barko dahil sa diluted fuel, ayon sa imbestigasyon ng PCG.

Naibalik naman agad ang makina ng barko nang i-angkla ito sa dalawang nautical miles mula sa bacanay Point, Liloan, Cebu.

Gayunman, naipit at hindi na maiangat ang angkla ng barko kaya nagpasya ang mga tripulante na putulin ang kadena ng anchor.

Nagpasya rin ang kapitan ng barko na bumalik sa Pier 4, Cebu City.

Ligtas namang nakarating sa pantalan ang 158 indibidwal at crew member kung saan nagbigay ng food packs ang PCG team sa mga pasahero at nagbigay pa ng karagdagang tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden