Mga pasahero siksikan sa NAIA para makauwi sa probinsya sa Bagong Taon

Mga pasahero siksikan sa NAIA para makauwi sa probinsya sa Bagong Taon

December 31, 2021 @ 2:36 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Siksikan ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bago sumapit ang Bagong Taon para sa kanilang flights pauwi na kani-kanilang probinsya.

Mahaba ang pila sa labas ng departure area ng NAIA Terminal 3, ayon sa ulat sa Unang Balita.

Samantala, mahaba rin ang pila ng mga pasahero sa check-in counters. Ilang air travelers ang naiulat na sa airport na natulog. RNT/SA