Mga pasaherong istranded sa mga pantalan sa Bicol sa bagyong Paeng, higit 2K na

Mga pasaherong istranded sa mga pantalan sa Bicol sa bagyong Paeng, higit 2K na

October 29, 2022 @ 8:39 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 2,004 ang mga indibidwal na naistranded sa mga pantalan sa Bicol region dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.

Ito ang iniulat ni Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol nitong Biyernes, Oktubre 28.

Maliban dito ay mayroon ding 645 na mga rolling cargoes at 46 na fishing vessels ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa anim na probinsya ng rehiyon.

Ayon kay Naz, 788 katao, pitong bus, 186 na truck at 61 light vehicles ang nakahimpil sa Maharlika Highway patungong Matnog port sa Sorsogon.

Matatandaang kinansela na muna ang byahe ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat dahil sa nakataas na storm warning signals sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa bagyong Paeng. RNT/JGC