Mga pasaway sa lockdown ginapos, ipinarada sa kalsada

Mga pasaway sa lockdown ginapos, ipinarada sa kalsada

December 30, 2021 @ 11:10 AM 8 months ago


CHINA – Ginapos saka ipinarada sa kalsada ang apat na taong nahuling pasaway sa umiiral na COVID-19 lockdown sa Jingxi, China.

Habang ipinaparada ang mga lumabag sa lockdown, pinagsuot ang mga ito ng hasmat o personal protective equipment at nakalabas ang kanilang mukha at litrato sa karatula na nakabitin sa kanilang mga leeg.

Ipinarada sila ng mga pulis na pawang armado ng bari.

Ayon sa mga pulis, nahuli ang apat sa pagpapalusot ng mga tao na palabas o papasok sa mga naka-lockdown na lugar sanhi ng COVID-19.

Istrikto ang mga awtoridad sa nasabing lugar sa pagpapatupad ng “zero COVID policy” at isa umano sa pagpapahiya sa mga pasaway ang paraan para makamit ito.

Nauna rito, isang lalaki ang iginapos sa puno makaraang mahuli itong lumabas ng bahay habang naka-lockdown ang kanyang lugar para lang bumili ng sigarilyo.

Naganap ito noong Pebrero 2020 sa lalawigan ng Hebei na unang tinamaan ng virus hanggang sa kumalat ito sa buong bansa at mundo.

Mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpaparusang ganito sa China at pinananagot ang mga awtoridad na may gawa nito. Fred Cabalbag