Mga pekeng auto spare parts, nasamsam ng NBI

Mga pekeng auto spare parts, nasamsam ng NBI

June 22, 2018 @ 8:34 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nasamsam ng National Bureau Investigation (NBI) ang tinatayang aabot sa halagang P15-M mga pekeng auto parts sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Maynila, Parañaque, at Las Piñas City.

Ayon kay NBI Deputy Director at spokesman, Ferdinand Lavin, oil filters, cabin filters at air filters ng Hyundai, Kia at Mobis parts ng Hyundai ang nakumpiska  sa sunud-sunod na operasyon.

Ipinakita nila Deputy Chief. Ferdinand Lavin, Atty. Glen Recarte ng NBI, IPRD Atty. Bienvinido Marquez, at Jae Ho Lee ang mga ang mga pekeng oil at air filter ng KIA at HYUNDAI Motors na may market value na 15 Milyon Pesos matapos salakayin ang 3 bodega sa Abad Santos Manila, sa Pasay, at sa Paranaque. (Kuha ni Crismon Heramis)

 

Sa bisa ng search warrant na pinalabas ng Pasig City Regional Trial, pitong establishment ang sinalakay ng NBI Intellectual Property Rights Division.

Mga pekeng oil at air filter ng KIA at HYUNDAI Motors na may market value na P15M (Kuha ni Crismon Heramis)

 

Nag-ugat ang operasyon ng NBI-IPRD sa reklamo ng mga opisyal ng Hyundai at Kia matapos na matunton ang mga pinekeng bahagi ng mga bahagi ng mga nasabing sasakyan na pawang gawa sa Korea. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)