Mga pekeng Black Rhino Wheels nasamsam ng NBI

Mga pekeng Black Rhino Wheels nasamsam ng NBI

October 30, 2020 @ 5:58 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasamsam ng National Bureau of Investigation -Special Action Unit (NBI-SAU)  ang mga pekeng produktong Black Rhino Wheels na nagkakahalagang P7 milyon.

Sinabi ni NBI officer-In-charge Eric B. Distor, ang mga counterfeit Black Rhino Wheels na nasamsam ay nag-ugat sa letter-complaint ng Nicolas  & De Vega Law Offices laban sa may-ari, managers, sellers  at operators  na sangkot sa pagbebenta at distribusyon ng nasabing produkto.

Ang manufacturer ng  Black Rhino Wheels ay ang Just Wheels, isang korporasyon sa California, USA at gumagawa ng negosyo  sa ilalim ng pangalan at style ng TSW Alloy Wheels.

 “Wheel Gallery, corporation duly incorporated under the Philippine laws, is the sole and exclusive distributor of Black Rhino Wheels in the Philippines,” ayon sa NBI.

Ang mga sumusunod ay natukoy sa iba’t ibang lugar sa  Maynila,  Makati City, Paranaque City, at Quezon City na sangkot sa pagbebenta at distribusyon ng Black  Rhino at trade name gayundin ang  Annika Tire Center at  warehouse (Manila), Raf Tire Center (Manila), Empire Tire Center (Manila), E.S. Fargo Tire Center (Manila), Fargo Tire Center (Manila), NCL Miller (Quezon City), R.A. Alawiya (Quezon City), Gomags Trading (Paranaque City), Golance Tire Center (Makati City), at ang Wheelhaus Autocare na may bodega sa Makati City.

Ayon sa NBI, isinagawa ang test buy at nang napatunayan ang report ay agad na isinilbi ang search warrant sa mga business owners, staff at barangay representatives ng NBI-SAU,

 NBI-Anti-Fraud Division (NBI-AFD) .

Sa pagsalakay, nakumpiska ang 638 piraso ng  counterfeit Black Rhino Wheels .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...