Mga pekeng LPG nasabat sa Maynila

Mga pekeng LPG nasabat sa Maynila

September 14, 2022 @ 7:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng Regional Intelligence Division (RID) sa Lungsod ng Maynila ang mga pekeng Liquified Petroleum (LPG) at pagkakaaresto ng apat na kalalakihan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang naaresto sa unang operasyon na si Jhonnifer Cuevas Peduca, 39 at Joel Salvador, 30 habang sa pangalawang operasyon ay si Estonilo, 30 Ronald Abela y Zubiaga. 43 at Patrick Pedrosa y Royo, 20.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ng Isla Petroleum and Gas Corporation.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang nagsagawa ng operasyon ang Regional Intelligence Division sa JP Cuevas Enterprises Gas SA 265AH, Lacson Avenue, Sampaloc, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto nina Peduca at Salvador dahil sa pagbebenta ng pekeng Solane LPG.

Narekober sa kanila ang anim na walang laman na tangke ng Solane LPG, tatlong tangke ng may laman na Solaine LPG at pekeng bulb seals na nakalagay sa isang sako.

Samantala, ala-1:30 ng hapon nang nagsagawa muli ng operasyon ang RID sa Ronald-Amie LPG Store 2171 Visayan Ave., Sta. Mesa, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto ni Abela at Pedrosa at narekober ang 32 o 11 kilogram na mga pekeng LPG. Jocelyn Tabangcura-Domenden