Mga pelikulang may temang ‘end of the world’, aabangan sa takilya

Mga pelikulang may temang ‘end of the world’, aabangan sa takilya

July 3, 2018 @ 7:10 PM 4 years ago


Patok ngayon sa takilya ang mga kwentong katapusan ng mundo, mapa-kwentong relihiyon, virus, alien o mga hula at prediksiyon nina Nostradamus o ng Mayan.

Kakagatin talaga ng mga manonood ayon sa mga sikat na director ng mga pelikulang ‘post-apocalypse’ ang mga ganitong palabas lalo na ngayong marami ang takot o nababahala sa overpopulation, mga peste at epidemya at ang mga giyera.

Kaya naman inaabangan na ngayon ang dagsa ng mga dystopian fiction gaya ng “Mortal Engines” ni Peter Jackson, “Inrang” ni Kim Jee-woon at ang “Luxembourg” sa direksiyon ni Myroslav Slaboshpytskyi na pawang mga kwentong iikot sa future settings.

Ayon sa Box office chief analyst na si Shawn Robbins, nakikita niya itong escapism o isang art na magpaparamdam sa mga tao ng kagustuhang bumalik sa lumang panahon.

“These types of films are often viewed as pessimistic glimpses into the future, which is certainly one valid interpretation, but they can also be self-reflective in a positive way,” paliwanag ni Robbins.

“It’s easy to see post-apocalyptic and dystopian film settings as part of our inevitable doom, but we can also take them as lessons and parables because, at the heart of any good story, the human condition is explored and challenged.” (Remate News Team)