Mga petisyong taas-pasahe, pinag-aaralan na

Mga petisyong taas-pasahe, pinag-aaralan na

June 22, 2022 @ 5:05 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon para sa taas-pasahe sa jeep, transport network vehicle services (TNVS), at mga bus.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na isinasaalang-alang nila ang pagbalanse sa mga interest, unang-una ang economic viability ng mga operator sa gitna ng tumataas na presyo ng krudo.

“Of course, yung sa commuters naman po na side because the burden would be passed on them, yung kakayahan naman nila magbayad,” dagdag niya.

Ikokonsidera rin aniya ng board sa pagdedesisyon ang posibleng epekto ng taas-pasahe sa inflation.

Matatandaang nito lamang Hunyo 8 nang aprubahan ng LTFRB ang pisong provisional increase sa minimum na pasahe sa jeep na ngayon ay nasa P10 na.

Pero agad naman itong nasundan ng ilang bigtime oil price hike dahilan para humirit ang mga transport group nag awing P14 o P15 ang kanilang mininun fare.

Maliban dito, umapela rin ang TNVS at Grab na taasan ng P20 ang kanilang flagdown rate.

Habang ang mga city at provincial bus operator ay humirit din ng P4 hanggang P7 taas-pasahe na kung maaaprubahan ay aabot na sa P15 hanggang P20 ang minimum fare.

Nilinaw naman ni Cassion na wala pa silang natatanggap na pormal na petition mula sa mga taxi driver. RNT/ JCM