Mga Pinoy binalaan vs pekeng Facebook at Messenger account ng PH Embassy sa Oman

Mga Pinoy binalaan vs pekeng Facebook at Messenger account ng PH Embassy sa Oman

September 7, 2022 @ 12:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Philippine Embassy sa Oman kamakailan ng abiso na nagbababala sa mga Pilipino ukol sa pekeng Facebook at Messenger account na gumagamit sa pangalan ng embahada.

Nag-post ang embahada sa official Facebook page nito ng screenshots ng mga mensaheng ipinadala mula sa pekeng account. Batay sa mensahe, ipinangako ang cash reward sa netizens para sa kanilang suporta. Bibigyan ng link ang netizens kung saan kiakailangang ilagay ang personal na impormasyon upang maproseso ang umano’y premyo.

“The public is hereby advised of a circulating scam from a Facebook/Messenger account pretending to be the Philippine Embassy in Oman,” saad sa abiso.

“Please do not provide any personal information and ignore messages received from the said fraudulent account,” dagdag ng embahada.

“The Embassy does not use Messenger in disseminating information,” giit nito.

Naka-post ang impormasyon at mga updates sa official website (muscatpe.dfa.gov.ph) at official Facebook page (www.facebook/com/PHLinOman) ng embahada.

Pinayuhan naman ang mga nakatanggap ng mensahe mula sa pekeng account na sumangguni sa embahada sa pamamagitan ng email: [email protected] o via landline: +968 2460-5335 o +968 2460-5176.

“The public is hereby enjoined to exercise caution and prudence especially when interacting online,” panawagan ng embahada. RNT/SA