Lakers nakabawi sa Pacers

February 3, 2023 @2:39 PM
Views: 0
INDIANAPOLIS — Kumamada si LeBron James ng 26 puntos, pitong rebounds, at pitong assist para makalapit ng 63 puntos para maging career scoring champ ng NBA nang mag-rally ang Los Angeles Lakers para talunin ang Indiana Pacers 112-111 ngayon Huwebes ng gabi (Biyernes, oras ng Manila).
Ibinigay ni James sa Los Angeles ang unang kalamangan nito sa isang 3-pointer sa 2:35 ang natitira sa laro, at ang 11-footer ni Anthony Davis sa 35.1 segundo ang natitira para sa decisive basket.
Nagtapos si Davis na may 31 puntos at 14 rebounds.
Umiskor si Aaron Nesmith ng career-high na 24 puntos, nagdagdag ng 26 puntos at 12 assists ang pasok na All-Star na si Tyrese Haliburton sa kanyang unang laro sa loob ng tatlong linggo habang si Myles Turner ay may 20 puntos at 13 rebounds matapos pumirma ng dalawang taong extension ng kontrata noong Lunes.
Noong Huwebes, si James ang naging pangalawang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nangunguna sa 38,300 puntos at umalis sa bayan na may 38,325.
Si Kareem Abdul-Jabbar ang may hawak ng scoring record ng NBA na may 38,387 puntos.JC
Global democracy index ng Pinas bahagyang bumuti

February 3, 2023 @2:31 PM
Views: 17
MANILA, Philippines – Bahagyang bumuti sa ika-52 pwesto sa 167 mga bansa ang Global Democracy Index ng Pilipinas nitong 2022.
Sa kabila nito, klasipikado pa ring “flawed democracy” ng London-based think tank na The Economist Intelligence Unit (EIU) ang pwestong ito ng Pilipinas, bagamat bahagyang bumuti mula sa dating ika-55 pwesto noong 2020 at ika-54 pwesto noong 2021.
Sa ulat ng EIU nitong Huwebes, Pebrero 2, nakapagtala ng score na 6.73 out of 10 noong 2022 ang bansa, mas mataas ng bahagya mula sa 6.62 noong 2021.
Ang pagsukat ng EIU ng annual index ay batay sa score na makukuha mula sa 60 indicators na nakagrupo sa limang kategorya: electoral process and pluralism, functioning of government, political participation, political culture at civil liberties.
Makaraang mabilang ang puntos, ikakategorya naman ito sa apat na uri ng pamumuno — full democracy, flawed democracy, hybrid regimes at authoritarian regimes.
Ayon sa 2022 report, ang Pilipinas ay tinawag na mayroong “flawed democracy” na nangangahulugang mayroon pa rin itong malaya at patas na eleksyon, respected basic civil liberties bagama’t may nakikitang kahinaan sa ibang aspeto ng demokrasya kabilang ang pamumuno, politika at partisipasyon. RNT/JGC
Walang plano sa permanent US base sa Pinas – Austin

February 3, 2023 @2:18 PM
Views: 14
MANILA, Philippines – Nilinaw ng Estados Unidos na hindi sila interesado sa pagtatayo ng permanent base-militar sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin III kasunod ng anunsyo ng Department of National Defense (DND) at US Department of Defense na nagkasundo sila sa pagtatayo ng apat na karagdagang bagong lokasyon para sa pasilidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
“In terms of EDC locations, I just want to be clear that we are not seeking permanent basing in the Philippines, as you heard us say in our statements, EDCA is a collaborative agreement that enables rotational activities,” sinabi ni Austin sa isinagawang media briefing, matapos makipagpulong kay DND Secretary Carlito Galvez Jr. Huwebes ng hapon, Pebrero 2.
Aniya, ang EDCA locations na ito ay gagamitin para sa pagsasanay at oportunidad na mapalakas ang interoperability ng Pilipinas at US forces.
“It also provides us the ability to respond effectively to humanitarian issues and also disaster relief and other types of crisis, not just for the Philippines but for the regions we are at,” sinabi pa ni Austin.
Sa kaparehong pulong balitaan, sinabi naman ni Galvez na ilalahad ang apat na bagong EDCA locations sa oras na matapos na nila ang konsultasyon sa mga lokal na komunidad kung saan ito ilalagay.
“The President wanted that all actions will be consulted with our local governments and wanted also to see that these agreements of the four EDCA sites will be finished, ” dagdag niya. RNT/JGC
2 sugatan sa dispersal sa barikada vs minahan sa Sibuyan

February 3, 2023 @2:05 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawa katao matapos ang nangyaring dispersal sa human barricade na binuo ng mga residente ng Sibuyan upang pigilan ang mining operations sa lugar.
Ayon sa environmental group na Alyansa Tigil Mina (ATM), gumawa ng barikada ang mga residente dahil sa di-umano ay illegal na mining operations ng Altai Philippines Mining Company, kung saan bigo itong makapagpakita sa mga nagprotesta, ng kaukulang legal na dokumento para makapag-operate.
“Two were hurt after Sibuyonon defenders try to block mining trucks in entering the private port. Three trucks with nickel ores passed through the barricade today,” saad ng ATM sa isang Facebook post.
“Three trucks with nickel ores passed through the barricade today”, sinabi pa ng grupo.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang Department of Environment and Natural Resources sa naturang pangyayari. RNT/JGC
PH-US alliance, solido! – DFA

February 3, 2023 @1:52 PM
Views: 21