Mga Pinoy ligtas sa Houthi rebel attack sa Saudi – PH Embassy

Mga Pinoy ligtas sa Houthi rebel attack sa Saudi – PH Embassy

March 28, 2022 @ 11:24 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na walang Pilipino ang nasaktan sa sunod-sunod na pag-atake ng Houthi rebels sa Jeddah on March 20 and 25.

“The Embassy and the Philippine Consulate General in Jeddah will continue to coordinate with local authorities and the Filipino community to ensure the safety and security of Filipinos in the Kingdom,” pahayag ng embahada nitong Linggo.

Inatake ang public petroleum at natural gas company na Saudi Aramco gamit ang armed drone noong nakaraang linggo, na nakaapekto sa produksyon nito.

Sinabi naman ng foreign ministry ng Saudi Arabia na, “the country will not incur any responsibility” sakaling magkulang ang suplay ng langis dahil sa pag-atake ng Yemeni Houthi rebels. Nagbabala naman ang bansa na ang mga naturang pag-atake ay direktang banta sa suplay ng langis sa buong mundo.

Inabisuhan naman ang mga Pilipino sa Saudi Arabia na maging alerto at makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Jeddah sakaling mangailangan ng tulong.

“The Philippines joins the community of nations in its collective condemnation of these attacks and calls for cessation of violence against civilians,” pahayag ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia. RNT/SA